at long last... IT'S OVER
the feeling of no stress and the culmination of a dreadful semester is just so SWEET! yes, it's over. the "wonderful" semester has come to a close. most of the ateneans are in their vacation/bumming around mode. i don't know how to differentiate the two anymore. ONE BIG *SIGH* for the sem. woohoo. tapos na! ang sarap ng pakiramdam.
after rejoicing, i must plunge into the retreat disposition. shhh... i need to savor this time that i can be distracted. tomorrow at around 7, the silence begins. i will be quiet for a week. i will not think about anything else (bahala na!) except my relationship with God. four to five hours of prayer a day? kaya yan! i'm excited yet nervous.
kumusta ang aking mga huling finals? (haha... huling finals)
1. theo went well. nagpay-off ang pangangareer ng readings na pinababasa niya. salamat sa mga hints. my prediction came true kaso nga lang hindi niya dinagdagan -- binawasan niya. ang 5 tanong, hindi nanggaling sa lahat ng 5 readings na pinabasa niya. siguro 3 lang doon ang nagamit. lucky me. i was able to recall the key terms she asked us to enumerate tapos elaboration came easy. hehe. ayos na. i'm really satisfied with my performance in theo.
2. stat also went well. as compared to my midterms, mas maayos ang finals ngayon. INPUT DATA. ANALYZE DATA. COPY. INTERPRET. thank you SPSS. i love you. ganito lang kadali ang aming ginawa. i'm also satisfied.
kaya, anong ginagawa matapos ang huling finals? nageenjoy. i went out with my orgmates. kumain kami sa shakey's. naghang-out kami sa condo unit ng isa ko pang orgmate. tapos, sumama kami sa paghatid ng isa pang orgmate sa greenhills. yung mga di pa kumain, nag-Italliani's tapos we ate desert sa jack's loft sa wilson. grabe, ang ganda na ng greenhills! namiss ko tuloy ang pag-aaral sa xavier -- the saturdays, the late nights... hehe. gusto ko tuloy magturo talaga sa xavier. sana sa katipunan din ganun may night life. also, i liked jack's loft. ang ganda! wala lang. nice place to hang out.
anong oras ako nakauwi? 1:30 am. astig di ba? may retreat pa ako niyan mamayang 3 pm. hehe.
well, gusto ko kasi bago ako maging in disposed, i like to spend time with my friends and have fun, although ngayon sugar and snacks lang at walang alcohol. hehe.
ok, retreat na. sabi nga ni kim, di pa raw siya handa emotionally and spiritually. ako mismo di pa ganun kahanda. nagtataka nga ako kung bakit medyo wala pa akong sense of urgency ngayon. siguro, dala ito ng de-stressed weekend ng last day ng school. effect ito ng culmination ng semester. ang saya di ba? mamaya siguro pwede na siguro akong makapasok sa disposisyon ng magreretreat. Lord, paparating na ako!
to my friends: orgmates na di makapunta, blockmates, other friends, at marami pa sa inyong nagmamahal, pray for our community and i'll make sure you are in my prayers. to my family, i will pray for you too. God, ikaw naman. YEHEY! retreat time... shhh... i will be out for 5 to 6 days, kaya matagal na hiatus 'to.
PORQI is in RETREAT MODE. modesty of the eyes. magnum silencium.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home