life. a melody. a rhythm. a harmony. a song written and sung by myself. so come on, sing with me!

10.09.2004

last official day of the sem

blogging after a long pause (dahil sa long tests)

i would like to reiterate my favorite ym status recently: "salamat FIRST SEM... sa wakas, tapos ka na. whopeee..." with this, you can just imagine how much i've endured during the whole semester. to think, this was one of the easiest semesters of our (ab psych) college life. grabe. actually, my biggest worry this sem is getting an F. i cannot afford one anytime in college. i have a scholarship to take care of. that's why i'm really really stressed out. good thing that today, officially, this horrendous sem has reach its omega. FINALS NA LANG, retreat na!




i would like to share about our class play for filipino. it brought me lots of consolation because i realized that even though i have chosen aclc more than my block, i realized how fun it is to still be part of your block. i must admit, we grew closer to each other in doing this play. i enjoyed performing. i did not know i had the inner actor in me. nyek di ba? marunong naman akong umarte pero di sa entablado.

ang saya lang kasi kung tutuusin. alam kong marami akong pagkukulang sa paghahanda sa palabas na ito. marami akong late dahil di nagigising. maraming naging excuses para makapag-absent subalit habang nabubuo ang pira-piraso ng dula, nakakatuwang isipin na nagiging malapit kami bilang isang block. kahit yung mga di naming kaklase sa fil na blockmate ay tumutulong na sa amin. ganoon kami kaclose at ganoon ako kaswerte na mapunta sa isang block na inaalagaan ang isa't isa.

kahit na medyo kabado pa rin ako sa fil grade ko (kampante pa rin ako na hindi man ako magF, pero D pa rin ang worst case scenario ko), masaya ako sa nagawa namin bilang isang block. lalo kaming napagbuklod ng dulang ito, na dati'y inakala kong hadlang lang sa kasiyahan ko, isang requirement na nakakatamad. nagkamali ako.

humihingi ako ng tawad sa mga kagroup ko at kablock ko. but in all fairness to everyone, we did a great job. NAG-ENJOY AKO!




reflection 2: earthquake
lumindol muli kaninang 10:40 pm. kakaiba nga lang ang lindol ngayon dahil marami pang gising nang naramdaman ko. kaso nga lang, naramdaman ko siya sa labas ng bahay. di ko alam gagawin kanina. akala ko nahihilo lang ako. grabe talaga. kakatakot kasi pangalawang lindol na ito na naramdaman ko sa loob ng 2 buwan. nakakakaba noh!

since marami pa ang mulat sa panahong lumindol, siyempre naging buzz siya mula ym hanggang tv. grabe talaga. pero asteeeg... hehehe. joke. ayoko na ng lindol. nahihilo talaga ako.




RETREAT NA! hindi pa rin ako handa pero excited na excited na ako.
"let them be... what will happen will depend on the community. don't decide too much for them."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home