katatapos ko lang manood ng boston public. the episode featured the relationship between a teacher and a student that became more of a parent-child relationship. i won't elaborate on the episode but it zeroed in on the death of that student in iraq as a soldier. steven harper, after hearing the news, felt crushed for that student was like his son. and the story went on.
after watching, i found myself wiping my face of tears.
it's funny how a series of events, though they may not be connected at all, may lead you at one direction. i find myself in that situation. at this particular moment, after much reflection and introspection, i realize that these events point to this particular theme.
when loving means letting go.
such a cliche. lagi kong naririnig ang statement na'to tuwing pinag-uusapan ang pag-ibig na involved ang kilig. sasabihin nila na if you love that person, you must be ready to let go, especially if it means his/her growth or better yet, happiness. paulit-ulit na lang, di ba? lagi na lang ganito ang sinasabi sa atin, para bang hinahanda tayo sa maaaring pag-alis ng taong pinagbuhusan natin ng atensyon at pagmamahal.
ngunit, kahit cliche siya, kailangang harapin ang katotohanan kasi pag umabot tayo doon, wala tayong magawa kundi bansagan ang ating mga sarili bilang mga martir. ngunit, hindi naman tayo likas na bayani, lalo na't likas na santo kaya bakit tayo magiging martir? nagkataon umabot tayo sa punto kung saan sinusubok ang ating pagtataya. hanggang saan natin kayang magbigay? hanggang sa puntong kaya mo nang ibigay lahat maging ang kanyang kalayaan?
tanong: bakit pa ako magtataya sa simula't simula pa lang? e kung wala rin naman palang kasiguraduhan hetong papasukin ko, bakit pa? sayang naman ang gugugulin kong panahon at pagkakataon sa kanya.
PAGTATAYA. parang sugal lang yan eh. commitment. sa sugal, tumataya ka sapagkat nagbabakasakali kang mananalo, ngunit sa likuran ng iyong pag-iisip, alam mong may posibilidad na matatalo ka. ganoon talaga. bigay lang nang bigay dahil dito ka talagang tumutubo at hindi ka lang naman nagtaya para sa sarili mo kundi maging ang buhay niya ay tinayaan mo. nagtaya ka para sa kanya. sisiguraduhin mong tumutubo ka. gayundin, sisiguraduhin mong tumutubo siya.
ganun ang pagmamahal eh. pero hindi lang ito para sa pagibig sa pagitan ng lalaki at babae. pati sa magulang at anak, sa magkakaibigan, sa isang samahan. PAGTATAYA ang hinihingi. pagsusugal sa pamamagitan ng pagbibigay ng sarili para sa pagtubo hindi lamang ng isa kundi ng lahat.
naalala ko lang dito ang Diyos. nagtaya siya sa tao dahil mahal niya ngunit alam niyang maaari siyang talikuran nito. pero, di niya ito inalintana. nagmahal siya. nagtaya siya. hanggang saan ang kanyang pagtataya? hanggang sa pagbibigay ng kalayaan sa ating mahalin siya pabalik. ganun.
dito pumapasok ang napanood ko kanina at mga pinagdaanan ko. i've realized the value of commitment as a central factor in experiencing real and genuine love. ngunit hindi lang basta-bastang pagtataya. tunay na pagtataya ang hinihingi. isang pagtatayang kayang magbigay ng lahat kahit pa kalayaan ng iyong pinagtatayaan. mahirap. masakit. kaso, nagmahal ka. pinasok mo yan kaya kailangang tanggapin.
gusto ko lang sabihin na napupuno lang ako ng tunay na pagdanas sa tunay na kahulugan ng pagtataya. lahat ng nangyayari sa akin sa mga nakaraang araw ay nakaturo sa direksyong iyon. marami sa mga nabasa ko, sa mga napanood ko, sa mga naranasan ko, patungo rito -- sa pagtataya. pero hindi lang pang-unawa ang taglay ko, mayroon din akong mga karagdagang tanong. hindi ko naman susubuking sagutin.
paano kung umabot sa puntong pati ang buhay ng isa ay kasali? handa pa ba tayong magtaya sa ganoong pagkakataon? paano kung sa simula't simula pa lamang ay alam mong hindi na siya magtataya sa'yo? magtataya ka pa ba? paano kung kailangan mong pumili ng pagtatayaan na hindi mo pwedeng pagsabayin? paano ka pipili? sa pinakakaunting sakit na maidudulot sa'yo o sa mas matimbang sa puso mo? mahirap sagutin pero patuloy na pinagninilayan.
when loving means letting go."at kung hindi man dumating sa'tin ang panahon, na ako ay mahalin mo rin. asahan mong di ako magdaramdam, kahit ako ay masasaktan. huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin" - walang kapalit ni rey valera