life. a melody. a rhythm. a harmony. a song written and sung by myself. so come on, sing with me!

8.23.2005

thanks to MARKY

oy marky, kung produkto ka, dapat may bayad na ako sa gagawin kong ito dahil naipromote na kita. hahaha. pero gagawin ko pa rin.

siguro, sa loob ng ilang linggong ito at lalo na sa nakaraang weekend, halos ikaw lang ang pinaka-nakakainteract kong tao. haha. pero ayos lang. MASAYA naman eh. gusto ko lang magpasalamat kasi kahit na ganito ako ngayon: malabo, between consolation and desolation at punung-puno ng magugulong pag-iisip, nakinig ka. alam mo, ikaw lang ang nasumbungan ko, nahingahan ko at nakakwentuhan ko ng maayos this week.

salamat.
sa dinner.
sa basketball game.
sa areareps' dinner.

sana maulit! haha. masayang makipagkwentuhan lalo na't magkaiba na tayo ng ginagalawan at iba na ang ating pagtingin sa ating mga nakasanayang gawain. hehe.

thank you. ulitin natin. ako naman ang babawi.
julius "kuntento na sa simpleng hapunan" porqueriño

0 Comments:

Post a Comment

<< Home